VFF @ CONDURA 42

2 mga puna

dahil bukas na ang condura marathon, minarapat kong ungkatin ang post kong ito. as usual, tatratuhin ko na naman ang condura42 bilang long run. ensayo para sa nalalapit na bdm160.

 ang blog kong ito ay isinulat ko noong Feb 12, ’10 3:07 AM…

oo, kapa na lang ang kulang.

sumali ako sa CONDURA MARATHON dahil wala akong ensayo. ang totoo, hindi ko naman talaga kailangan sumali. pero dahil wala akong ensayo para sa BDM102, ginamit ko ito bilang isang training run. bukod dito, marami akong mga kakilala at kaibigan na tatakbo. inasahan ko rin na magiging maganda ang patakbo dahil ang CONDURA MARATHON na ata ang pinakamalufet na patakbo sa pilipinas. kaya kung may patakbo na kung saan mawawala ang 42k-virginity ko, ito na yun. oo, ito ang kauna-unahan kong full marahon, sa maniwala kayo at sa hindi.

wala na nga akong ensayo para sa BDM102, kulang pa rin ako ng ensayo para sa CONDURA MARATHON! ayos di ba?! nahirapan kasi akong i-balanse ang training ng takbo, bisikleta, at langoy. tutok pa naman ako sa aking pag-langoy dahil dito ako pinakamahina. kaya ayun, napabayaan ko ang pagtakbo. ang huling LSD ko ay noong RIZAL DAY RUN pa. bilang paghahabol sa ensayo, binalak kong tumakbo ng 30k isang linggo bago ang condura. sa kasamaang palad, humigit-kumulang 25k lang ang nagawa ko, kung saan mahigit 5k ang lakad. bad trip! huling hirit pa, sinubukan ko ulit tumakbo limang araw bago ang takdang araw. ewan ko ba kung anong problema ko pero 22k lang ang nagawa ko. konting konsolasyon na hindi ako naglakad. bopols talaga! paano na ako sa condura?

pilit kong inisip kung bakit ako nagkaka-ganoon. kulang na kulang na nga ang milyahe ko sa takbo pero parang pagod na pagod pa rin ako. bigla kong naisip na hindi ko pala naisa-alang-alang ang pagod na nararamdaman ko sa paglangoy at pagbisikleta. isabay mo pa ang kaunting pagdi-dyeta. ayon! burned out na pala ako! apat na araw bago ang marathon, wala na akong ginawa kundi magpahinga, kumain, at mag-pondo ng tulog.

isang araw habang nagpa-plano kung ano ang mga gagamitin at isusuot ko sa takbo, namrublema ako sa aking mga sapatos. hindi ko trip ipang-long run ang aking brooks glycerin, at hindi naman ako kampante sa aking mizuno nirvana. matagal nang retirado ang dalawang pares ko ng asics kayano. anong gagamitin ko? bigla kong namataan ang aking VIBRAM FIVE FINGERS KSO. at dun ako nagsimulang maging ambisyoso.

gusto ko sanang maging kaiga-igaya ang unang full marathon ko. gusto ko siyang maging kakaibang ekspiryensya. kaya binalak kong takbuhin ito gamit ang aking VFF.

matagal din akong nag-nilay-nilay kung tama ba ang nasa isip ko. 22k lang nag pinakamahaba kong takbo gamit ang aking VFF. malaki ang panganib na magkaproblema. Pero dahil no choice na rin naman ako, ginamit ko na. bahala na si batman!

ano yan? ba’t naka medyas ka lang? asan ang sapatos mo? gagamitin mo yan? yan ang mga karaniwang tanong sa akin ng lahat ng mga nakakita sa VFF ko. sinubukan ko silang sagutin ng walang halong nerbyos, dahil sa bawat tanong nila, lalo akong napapaisip kung tama ba talaga ang desisyon ko. pero naroon na kami sa starting line. wala nang atrasan to!

hindi lang pala ako ang naka-VFF noon. nakita ko si don ng PINOY ULTRA RUNNERS na naka-KSO din, bagama’t may medyas siyang suot.

pumutok ang baril ganap na alas-kwatro. pinigilan ko ang sarili kong rumatrat. easy pace lang. wala naman akong pakialam sa oras, basta pumasok lang sa cut-off. masyadong ambisyoso ata na target-in kong mag sub-5 gayong kulang ako sa ensayo at suot ko pa ang VFF ko. nanatili ako sa 7-minutes-per-kilometer pace. nakasabay ko ang aking BDM102 classmate na si rico tocol ng team harcore. relak-relak lang kami.

habang nasa bayani road, naisipan kong umihi sa isang pader. madilim pa naman kaya wala masyadong makakapansin sa akin. pag-apak ko sa lupa, basa! buset! ano ito? mukang may naunang umihi sa akin?! pohtek (literally and figuratively)! pero itinuloy ko pa rin ang pag-ihi, nandun na e. langya! kung di ba naman umuulan ng kamalasan?! bumalik sa paa ko yung ihi ko! pu@^#%^! kadiri! pero may magagawa pa ba ako?! umapak na lang ako sa basang kalsada at nagbuhos ng konti sa aid station. ok lang. ako lang naman ang nakaka-alam noon e. hehe!

naging maayos naman ang aking pag-takbo. bagama’t ramdam ko ang bawat apak, hindi naman ako masyadong nasaktan. siguro ay sanay na ako. pati na rin sa mga taong nakatunganga at iniisp na isa akong tanga para gamitin ang suot kong pang-yapak.

nag-abot ulit kami ni rico at relaks na nag-kwentuhan hanggang sa turn around point sa skyway. pagka-liko ay nagumpisa na siyang umarangkada habang ako naman ay nagsimulang maglakad ng kaunti. sinadya kong magkaroon ng walk-break upang makapahinga naman kahit konti ang aking fore/midfoot. tuwing naglalakad (patag man o ahon), ibang grupo ng masel ang aking ginagamit. nagagamit ko ang aking sakong. at dahil training run ito para sa BDM102 nilakad ko na lang ng matulin ang lahat ng ahon mula noong puntong yaon.

matindi na ang sikat ng araw pagdating ko sa parte ng international school sa fort bonifacio. nagrereklamo na rin ang mga talampakan ko. laking pasalamat ko nang nakita kong may daang lupa at damo sa gilid. minabuti kong sa mga daang ito tumakbo at lumakad.

isang kilometro bago ang finish line ay nakuha ko ang aking N-th wind. ang sarap sa pakiramdam kaya nakuha kong takbuhin ito ng 5-minute pace.

pagkatapos ng kodakan ay hinubad ko na ang aking VFF. may konting maga sa pinakamahaba kong daliri sa kaliwang paa (na mas malaki kaysa kanan) at isang sobrang liit na paltos (kung maituturing man). sobrang eksakto kasi ang sukat ng aking KSO kaya siguro namaga. maaari din namang nag-expand na ang aking mga paa dahil sa haba ng takbo at sa pag-init ng panahon.

ngayong nakatapos ako ng full marathon gamit ang aking VFF, nadedemonyo akong gamitin ito sa BDM102. pero sa aking pagsusuri, mahihirapan akong tapusin ito kung VFF nga ang gagamitin ko. siguro kung mas malaki ng isang size at kung TREK ang modelo. sa 2011 edition na siguro.

***nais ko sanang ingles na ang gamiting wika para sa blog kong ito para sa aking mga kaibigang dayuhan at english-spokening-whatever pero wag na lang. blog ko to kaya gagawin ko ang trip ko. gusto niyong maintindihan ang mga pinagsasasabi ko? pwes! mag-aral kayo managalog! hahaha!***

heto ang reaksyon nang ilang kaibigan at mambabasa…

ronaldrei
ronaldrei wrote on Apr 16, ’10

mahusay! nde ba mainit ang KSO sa Manila? :-/ Salamat nga pala sa pagdayo sa aking blog din .. 🙂 sa susunod sana makakasama ko kayo sa pagtakbo pag ako’y umuwi.

napa-tagalog ka din! haha! hindi naman mainit sa paa ang KSO. pero mararamdaman mo yung temperature ng surface kung saan ka tumatakbo. I really felt the heat when i did BDM102 on my KSO treks, but that was in 41degree heat. ok siya in normal conditions.

you are most welcome to join us on our group runs! 🙂

witchkitty
witchkitty wrote on Apr 16, ’10
mahusay! nde ba mainit ang KSO sa Manila? :-/ Salamat nga pala sa pagdayo sa aking blog din .. 🙂 sa susunod sana makakasama ko kayo sa pagtakbo pag ako’y umuwi.
ioneh
ioneh wrote on Apr 14, ’10
congratz boss ronald!
ronaldrei
ronaldrei wrote on Feb 13, ’10


***nais ko sanang ingles na ang gamiting wika para sa blog kong ito para sa aking mga kaibigang dayuhan at english-spokening-whatever pero wag na lang. blog ko to kaya gagawin ko ang trip ko. gusto niyong maintindihan ang mga pinagsasasabi ko? pwes! mag-aral kayo managalog! hahaha!***

– ako’y sumasang-ayon! ahahaha

mabuti naman! 😛
ronaldrei
ronaldrei wrote on Feb 13, ’10

ako’y laging nasisiyahan sa iyong tagalog na pagsasalaysay ng iyong karanasan sa daan, bundok, tubig at kung san-san pang mga lugar na ginagalawan mo, maski isang oras ko siyang binasa at mahigit 30 minuto ko isusulat itong sagot sa iyong salaysay. tama ka karanasan mo ito at sa iyo rin ang pahina na ito. bakit naman kami makikialam kung anong lengguahe mo isulat ito, diba?

sa yugtong ito, marapatin mo na lamang na i-pagdiwang at batiin ka ng isang masigabong palakpak sa pagtapos mo ng una mong apat na pu at dalawang kilometrong pagtakbo!

nawa’y maging matiwasay rin ang pagtapos mo ng issang daan at dalawang kilometrong pagtakbo sa ika-anim ng marso.

Mabuhay!

(nagdudugo na ilong ko!)

di la likas na tagalog?! hehe! ayos lang yan. at least na-e-ensayo ang utak. hehe! maraming salamat!
ronaldrei
ronaldrei wrote on Feb 13, ’10

mahusay!

maraming salamat, idol!
timmysebastian
timmysebastian wrote on Feb 13, ’10
***nais ko sanang ingles na ang gamiting wika para sa blog kong ito para sa aking mga kaibigang dayuhan at english-spokening-whatever pero wag na lang. blog ko to kaya gagawin ko ang trip ko. gusto niyong maintindihan ang mga pinagsasasabi ko? pwes! mag-aral kayo managalog! hahaha!***

– ako’y sumasang-ayon! ahahaha

margauybaula
margauybaula wrote on Feb 12, ’10
ako’y laging nasisiyahan sa iyong tagalog na pagsasalaysay ng iyong karanasan sa daan, bundok, tubig at kung san-san pang mga lugar na ginagalawan mo, maski isang oras ko siyang binasa at mahigit 30 minuto ko isusulat itong sagot sa iyong salaysay. tama ka karanasan mo ito at sa iyo rin ang pahina na ito. bakit naman kami makikialam kung anong lengguahe mo isulat ito, diba?

sa yugtong ito, marapatin mo na lamang na i-pagdiwang at batiin ka ng isang masigabong palakpak sa pagtapos mo ng una mong apat na pu at dalawang kilometrong pagtakbo!

nawa’y maging matiwasay rin ang pagtapos mo ng issang daan at dalawang kilometrong pagtakbo sa ika-anim ng marso.

Mabuhay!

(nagdudugo na ilong ko!)

lesterjerome
lesterjerome wrote on Feb 12, ’10
mahusay!
ronaldrei
ronaldrei wrote on Feb 12, ’10, edited on Feb 12, ’10
i dont want medals. what i want is to kick your @$$! hahaha!
acebalasador
acebalasador wrote on Feb 12, ’10
you guys want your medals? train harder!- runner-?

NYAHAHAHAHHA!

Advertisements

ika-apat na yugto ng VFF fans club run (ito na talaga, pramis!)

1 Puna

churi naman! eto na! eto na!

  

bago natapos ang nobyembre nang nakaraang taon, sinimulan naming i-conceptualize ang susunod na patakbo (oo, ito na yung 4th!). hiningi ko ang suhestiyon ng mga malalapit na kaibigan. para maiba, iminungkahi ni pat ang “sundown” run. orayt! bihira ang ganoong oras ng patakbo kaya na-excite ako. iminungkahi naman ni carina na gawin ito sa MoA c-loop (6k). at dahil nalalapit na ang pasko, okey yata kung naka-christmas-inspired outfit?! magaling! exciting talaga! so kailan?

nag-announce ako sa facebook at sa takbo.net:

‎4th VFF fun run
December 19, 2010 (sunday)
6AM
MOA C-loop (6k)
no registration fee
start/finish: in front of IMAX parking area
everyone is encouraged to wear christmas-themed outfits. 🙂
barefoot/minimalist runners also invited

this is purely a gathering of VFF enthusiasts (and barefoot/minimalist runners). an honest to goodness run for fun (LSD style). we already have a sponsor for drinks. barefootware inc will give out some freebies.

see you there! don’t forget your favorite VFFs!
🙂

oo, ingles! lol

minarapat naming gawin ito nang linggo ng umaga upang maiwasan ang hassle na idudulot ng holiday shopping rush sa moa. naisip din ng karamihan na trapik pag hapon kaya baka maunsiyame lang ang takbo. so yan nga po, mga ma’am/sir.

may mga ilang kaibigang hindi nakadalo dahil kasabay nito ang patakbo sa corregidor pero wala na kaming magagawa. tuloy na talaga ito.

ika-19 ng disyembre, maaga kaming umalis ni wilnar patungong moa. pero bago iyon ay dumaan muna kami kay luis (ang taong tinapay) para kunin ang donasyon niyang isang kahon ng gatorade (na galing naman sa adination-ortigas, hehe). dumating kami sa tapat ng imax bago mag-alas-sais ng umaga. may mangilan-ngilan na ring nandun tulad nina drew, irene, sid, atbp. nang lumaon dumating na rin sina rj at karen (dala ang isang kahong bacchus energy drink na galing naman kay jonel, na hindi ko alam kung saan galing. lol), at ibang mga partisipantes na karamihan din ay galing sa team endure at barefoot running philippines. sa kasamaang palad, kami lang ata ni dennis ang nag-suot ng pamasko! lol

ice breaker, kumbaga, nagpakilala kami sa isa’t isa bilang panimula. ayon sa pagkakaintindi ko, karamihan ay baguhan sa larangan ng pagtakbo ng naka-paa (o pag-gamit ng minimalist shoes tulad nf VFF). tamang-tama dahil newbie-friendly ang inihanda naming patakbo. ganap na 6:20AM, let’s-get-it-on na!

LSD-type ang takbong ito kaya walang ka-pressure-pressure. gaya ng dati, ocho minutos-kada-kilometro ang bilis na sakling-sakli lang para makasabay ang lahat. habang tumatakbo, sinusubukan kong ituro ang tamang paraan ng pagtakbo ng naka-yapak (ayon sa kaalaman ko). may ilang nabuwisit sa aking paninita. joke.

pagdating sa ikatlong kilometro, pinili naming huminto muna ng sandali para mag-re-group. napansin ko na may mga ibang nagsisimula nang mauhaw. yari! di ko naisa-alang-alang ang mga baguhan! di ko naisip na hindi pa talaga sila sanay na tumakbo ng mahaba nang walang inumin. ang naisip ko kasi: maikli lang naman ang tatakbuhin, kaya na siguro nang lahat ang deretsong 6k? kaya ayun, nanalangin na lang ako na walang mahimatay dahil sa dehydration. joke.

awa ng diyos, nakaraos naman kami nang humigit kumulang isang oras. pagktapos ay binanatan na namin ang gatorade, bacchus, at nature valley na dala ko.

sa hindi sinasadyang pagkakataon, hindi nakadalo si cherry sa pagtitipong ito. ilang araw na kasi ata siyang masama ang pakiramdam at hindi niya na talaga nakayanang bumangon. kaya, ang mga ipinangako naming freebie (vff lanyard ata) ay hindi naipamigay noong araw na iyon.

at dahil gwapo at charming si rj, minarapat niyang kunin ang pangalan ng lahat ng dumalo upang isumite kay cherry. ipinamahagi na lang ang mga regalo sa mga outlet ng vff sa trinoma at rockwell. hindi ko lang alam kung pati celphone number ng mga chicks ay kinuha rin ni rj.

team endure

klas piktyur

kung susumahin, masaya ako sa kinalabasan ng patakbong ito. hindi siya kasing garbo nang nakaraang takbo sa bhs pero dama ng lahat ang saya na idinulot ng pagtakbo ng naka-yapak (well, malapit-lapit na sa naka-yapak). maganda naman ang feedback galing sa mga partisipantes at atat na sila para sa ika-limang edisyon.

bilang organizer ng mga patakbong ito, ako ay natutuwa dahil naipapalaganap ko ang kaalaman at ang napakagandang ekspiryensya ng pagtakbo ng naka-paa. lubos akong nagpapasalamat dahil nakuha ko ang supporta ng vibram fivefingers sa layunin kong ito. napaka-henyo ng produktong ito. hindi mo man makuha nang lubos ang tunay na sensation ng barefoot running, protektado ka naman sa mga matutulis na bagay. sadyang may mga taong maselan kaya ito ang sagot kung ayaw mong magyapak sa kalsada. napakarami kong maikukwento tungkol sa vff pero sa ibang post na lang siguro yun (inaantok na ko kung di niyo pa nahalata. lol).

maraming salamat sa mga tumulong para maisakatuparan ang mga patakbong ito! at sa mga dumalo, sana ay magkita-kita ulit tayo sa susunod. vavu!

patalastas: CW-X running tights

Mag-iwan ng puna

for sale. brand new. please see pic.

babala: wag makipag-harutan sa mga masusukal na trail!

(TNF100 2009 sacobia, clark)

ika-apat na yugto ng VFF fans club run (part 2)

Mag-iwan ng puna

so yan nga po, mga ma’am/sir…

napansin niyo bang mali ang pamagat?

 

dahil nagbukas na ang pinaka-unang branch ng vibram fivefingers sa rockwell noong mayo, nakuha namin ang suporta ng barefootwear inc. sa pamamagitan ni cherry. ilang linggo din pinagplanuhan ang susunod na hakbang. ang kinalabasan, ang bonggang-bonggang 3rd VFF fans club run (astig talaga pangalan no? ako nag-isip niyan! lol).

mahigit kumulang kwarenta katao rin siguro ang dumalo. ang mga taga barefootwear inc. ang nangasiwa ng rehistro upang lahat ng nakalista ay mabigyan ng isang masarap na almusal sa starbucks. o ha?! san ka pa?!

bago simulan ang takbo paikot sa BHS, minabuti namin na yayain (pilitin!) mag-unat ang mga partisipantes. aba! mahirap nang may masaktan! mas magiging maayos kasi ang pakiramdam habang at pagkatapos tumakbo kung may tamang pag-uunat bago magsimula (di rin masama kung gagawin ulit ito pagkatapos).

uuuuuhhhhhhhhhmmmmmm ssssssshhhhhhiiiigggggggiiiiiii ssssssshhhhhhhiiiiiiiiiggggggggggiiiiiiii……

bilang lider ng grupo, minarapat kong panatilihin ang bilis (ano bang tagalog ng pace?) ng takbo sa otso minutos kada kilometro. pero hindi ito natupad dahil nasa harap ng pulutong si wilnar iglesia at pat alcomendas. ramdam kong nanggagalaiti sa pagpipigil ang dalawang damuho, hindi man nila ito ipakita. para bang aantukin sila sa bagal ng takbo. ang problema, hindi naman lahat ng kasali ay beteranong mananakbo. karamihan ay nagsisimula pa lamang. may iba pa ngang hindi naman talaga runner, VFF fans lang. kaya hayun, humaba an prusisyon (parang may kumakanta ng ave maria. lol).

napakaganda tingnan! lahat ng tumatakbo ay naka-VFF. at lahat ay naka-ngiti (except kay wilnar at pat. lol).

di ko sila kilala pero kasali silang tumakbo.

sinong bakla sa larawang ito?

time out! itutuloy…

ika-apat na yugto ng VFF fans club run

1 Puna

noong ika-19 ng disyembre ng nakaraang taon ay ginanap ang 4th VFF fans club run. medyo matagal-tagal na rin kasi yaong huling takbo kaya medyo kinakati na ulit ang mga adik.

marso 2010 nang nagtagpo ang tatlong indibidwal, si jb sanchez, che bello, at ang inyong lingkod, upang isakatuparan ang matagal nang pinaplanong takbo ng mga VFFers. Ang totoo, nag-announce kami noon sa takbo.ph pero walang ibang loko-loko na pumunta. kaya hayun, tatlo lang kaming nagpa-ikot-ikot sa BHS. gayunpaman, kami ay natuwa kaya inisip naming sundan pa ang ganitong tipo ng takbo. may bali-balita na rin na may magbubukas na local store ng VFFs kaya naisip namin na mas marami nang makakadalo sa susunod.

sa pangalawang pagkakataon, noong ika-17 ng hulyo 2010, muling nabuo ang isa na namang pagtitipon. as usual, sa BHS ulit dahil ito ang pinaka-accessible sa lahat ng partisipantes. labing-isa na kami noon (ako, che, jb, ramon, jonats, rj, vicky, joey, jackson, allan (?), at cherry). humigit kumulang anim na kilometro din ang aming tinakbo. not bad! at syempre, tinginan lahat ng mga tao samin na para bang attention-whores kami! lol. at pagkatapos tumakbo, kasunod ang gutom. nag-almusal kami sa mcdo at walang humpay na nagtawanan sa mga napag-usapang kung anu-ano na walang kaugnayan sa pagtakbo.

Vibram Five Fingered and lovin’ it! Wait a minute, that didn’t sound right to my ears. haha. Ran 6km + with fellow VFF users and fanatics. It was my first time to use it for running and was pretty pleased with the results. I’ll try to shoot for a bigger mileage next time and see how far I can push myself running barefoot…well, almost.:)

vicky ras
itutuloy…..

busy lang!

1 Puna

dami kong kwentong gustong isulat tulad na lamang ng tungkol sa:

– bdm160 ultra

– vff fun runs

– blackberry

– sea backpacking trip

– full ironman-distance tri

pero sobrang daming pinagkaka-abalahan! kaya sa ngayon, tiyaga-tiyaga na lang muna sa mga recycled na kwento. nakaka-aliw pa rin namang balik-balikan di ba?

rebyu: vibram fivefingers kso

Mag-iwan ng puna

itong artikulong ito ay isinulat ko noong Sep 11, ’09 8:26 AM. noong panahong iuon, wala pang lokal na VFF distributor sa pinas.

vibram fivefingers kso

una kong namataan ang vibram fivefingers (vff) noong taong 2007 sa website ng runners’ world. na-intriga agad ako sa hitsura nito. mukha kasing gwantes, pero pang-paa. cool! astig! at nang mabasa ko ang mga maaaring idulot ng sapin sa paang ito, lalo akong namangha. tiningnan ko sa website ng vibram kung saan makakabili nito. pinakamalapit sa pilipinas ang japan. nawalan ako ng pag-asa. (hindi ko pa natutuklasan ang kadalian at kagandahan ng on-line shopping noon).



taong 2008 ata nang una kong makita ang vff sa pilipinas. mayroon nito si mark bata (team hardcore). lalo akong na-engganyo. pero parang may bumubulong sakin ng: “wag ka nang bumili! may nauna na sayo! bwahahaha!”



lumaon nang lumaon, dumalas ang pagkita ko sa vff sa internet. marami na siyang modelo ngayon. bukod sa classic, nagkaroon na rin ng sprint, kso (keef stupp out!), at flow. bago matapos ang kasalukuyang taon ay lalabas na ang trek at moc.

dumating ang panahon na hindi ko na mapigilan ang sarili ko kaya minarapat kong bumili na ng vff mula sa isang international website. napusuan ko ang modelong kso. sinukat ko sa pamamagitan ng reglador ang aking paa at ibinase sa talaan kung ano ang tamang sukat ng kso para sa akin. hindi ito katulad ng pangkaraniwang sukat ng mga sapatos. kailangang sakling sakli sa paa mo na parang gwantes.



matapos ang lahat ng che che bureche at humigit kumulang na dalawang linggong paghihintay, dumating na rin sa wakas ang aking vff kasama ng ilan pang mga gamit na pinamili ko. nakakatuwa! maingat kong binuksan ang kahon at tinanggal ang balot at pasak na papel. isa-isa kong isinilid ang mga mumunti kong daliri sa loob ng kani-kanilang bagong sisidlan. hindi na bago sakin ang prosesong ito dahil halos isang taon ko na rin itong ginagawa sa mga medyas kong injinji.

parang ang sikip?! ganire ba talaga ang pakiramdam nire? ay nalukow! nalintekan na ata eh?!

hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang maisuot ko na ang mga ito. tuwa? lungkot? alinlangan? ewan! sakling sakli kasi. pero sa sobrang eksakto ng sukat, parang hindi kumportable. ewan! di ko maintindihan. nag-alangan tuloy ako kung gagamitin ko ang mga ito o ibebenta ko at kukuha na lang ng mas malaking sukat. nais ko sanang itakbo na kaagad ang aking vff pero umulan kaya minarapat kong ipagpaliban ang pag-rampa nito. hindi naman ako maselan sa pagtakbo ng umuulan pero maselan ako sa pagtakbo sa ulan ng may bagong vff.



biniyayaan ako ng makulimlim ngunit walang ulan na hapon noong sumunod na raw. kaya kahit laspag sa trabaho, dali-dali akong namisikleta papuntang ultra upang ipangalandakan ang aking bagong sapin panyapak. pag-tapak ko palang sa pidal ng bisikleta, ramdam ko na agad ang kaibahan ng vff. malayang malaya ang pakiramdam ng paa ko. naramdaman ko rin na may mga daliri nga pala ako sa paa. cool! bumilis ang pagbibisikleta ko!

sinadya kong habaan ang aking mga pag-iinat dahil inaasahan ko na na may sasakit sa katawan ko pagkatapos ng takbong ito. oras na ng pagtutuos! sinimulan ko ng mabagal ang eksperimento. 8:30 hanggang 9:00 ang pace, ultra pace. huwaw! para talagang naka-paa lang ako! nakakatuwa, parang naging bata ulit ako! natuwa rin ako dahil hindi ko kinailangang baguhin ang kahit ano sa pagtakbo ko. normal lang. inaasahan ko kasing mag-aadjust ako sa kung ano dahil sa vff. pero hindi. kung anuman ay naging mas bantay-sarado lang siguro ako sa bawat hakbang.



may dalawang kilometro din akong namalagi sa bilis na yaon. pagkatapos ay itinaas ko ang pace sa 7:00 – 8:00. astig! keri pa rin! itinaas ko pa sa 6:00, ngunit hindi pa ko nakaka-sampung hakbang sa pace na ito ay hindi ko na napigilang itodo ang takbo. umabot ako sa mahigit kumulang 3:08 sa loob ng 400m. waaaaahhhh! kulang ang mga salitang “tuwang tuwa” para ilarawan ang aking naramdaman!

dahan-dahan kong ibinaba ang tempo at natapos ang takbo ko sa ika-pitong kilometro.

so yan na nga po, mga ma’am/sir! but wait, there’s more!

nawala ang aking mga agam-agam pagkatapos ng takbong iyon. wari ay naging isa ang aking paa at ang vff. hindi ko naramdaman na maliit ito para sa akin. bagkus a natuwa sa kagandahan ng lapat nito.



kinabukasan, nanakit ang aking kanang calf. pero parang dahil sa normal na speed workout lang. hindi grabe ang sakit. ito yung pananakit na nakakatuwa dahil alam mong nag-aadjust ang mga muscles mo at unti-unting lumalakas.

hindi ko inirerekumenda sa lahat ang vff. hit-or-miss kasi, sa tantya ko. may binabagayan. mga gwapo lang tulad ng alam niyo na.

nagkataon lang siguro na swak sa paraan ng pag-takbo ko ang vff. maaaring hindi ganoon ang epekto sa iba. o kaya naman ay maaaring mtagalan ang pag-adjust. pero kung gusto niyong mag-enjoy at mag-feeling bata ulit, subukan niyo!



pi es
may binebenta na ata nito si hector. maaari kayong magtanong sa secondwind.
o kaya naman ay sabihin nyo sakin. i’ll hook ya up, n*ggah!

nakakatuwang balikan ang mga kumento:

18 Comments
 

audiosoundslave
audiosoundslave wrote on Sep 11, ’09
galing talaga ng vibram, salamat sa mahabang type written na kwento!
 

neilbarrios
neilbarrios wrote on Sep 11, ’09
Mabalahibo pala ang legs mo. wahahahaha! 

Kamusta naman ang swelas? Hindi ba madaling mapudpod?
Ang problema ko lang dito ay ang cushioning. (Bigat ko pa kasi)

Galing, galing. Congrats!

 

timmysebastian
timmysebastian wrote on Sep 11, ’09
kaibigang ronald, ako’y may agam agam tungkol iyong vibram limang daliri sa paa na pangyapak (wahaha) tulad ng nabanggit ni katotong neil, hindi po ba siya madaling magagasgas ang swelas, lalo na sa mga apatpaa mananakbo? (gets mo?) ikalawa, sa iyong palagay ito po ba ay bagay sa mga burol mananakbo?(hahaha) o sa mga gitnangpaa mananakbo? 

paano kung ako isang ninggah na gusto rin sumubok ng ganyang uri ng swelas sa paa? keri po ba? mayroon bang dapat na timbang, sukat o hugis ng katawan upang iyan ay masubukan?

pang huling katanungan: iyan po ba ay kinakailangan pang gamitan ng medyas, o marapat nang wala? tulad ng inyong nabanggit, iyan po ay tila isang gwantes na pampaa hindi po ba, kailangan bang pulbusan ang talampakan? gamitan ng petroleum jelly o kung ano pa? ito po ba ay nakaka blisters?

lubus na gumagalang at naaaliw sa inyong panibagong laruan.

APIR!

 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 11, ’09

galing talaga ng vibram, salamat sa mahabang type written na kwento!

haha! walang pong anuman!
 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 11, ’09

Mabalahibo pala ang legs mo. wahahahaha!

Kamusta naman ang swelas? Hindi ba madaling mapudpod?
Ang problema ko lang dito ay ang cushioning. (Bigat ko pa kasi)

Galing, galing. Congrats!

boss, ok naman yung swelas. sobrang nipis pero, true to vibram quality, matibay siya at mukang tatagal ng taon. cushioning is zero. kaya mapipilitan ka talaga matuto ng soft landing. 

at hindi lang legs ko ang mabalahibo! salamas! 😛

 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 11, ’09

kaibigang ronald, ako’y may agam agam tungkol iyong vibram limang daliri sa paa na pangyapak (wahaha) tulad ng nabanggit ni katotong neil, hindi po ba siya madaling magagasgas ang swelas, lalo na sa mga apatpaa mananakbo? (gets mo?) ikalawa, sa iyong palagay ito po ba ay bagay sa mga burol mananakbo?(hahaha) o sa mga gitnangpaa mananakbo?

paano kung ako isang ninggah na gusto rin sumubok ng ganyang uri ng swelas sa paa? keri po ba? mayroon bang dapat na timbang, sukat o hugis ng katawan upang iyan ay masubukan?

pang huling katanungan: iyan po ba ay kinakailangan pang gamitan ng medyas, o marapat nang wala? tulad ng inyong nabanggit, iyan po ay tila isang gwantes na pampaa hindi po ba, kailangan bang pulbusan ang talampakan? gamitan ng petroleum jelly o kung ano pa? ito po ba ay nakaka blisters?

lubus na gumagalang at naaaliw sa inyong panibagong laruan.

APIR!

dear tim, 

mabuhey! susubukan kong sagutin ang iyong mga katanungan sa abot ng aking munting kaalaman.

1. manipis talaga ang swelas pero sobrang ganit. subra talaga, dong! hindi mo ito dapat ipag-alala. baka mas matibay pa ito sa outsole ng ibang sapatos.

2. kung ikaw ay isang burol mananakbo (heel striker, sa mga medyo mahina ang brain cells), siguradong “aray!” ang magiging LSS mo! sobrang ramdam mo kapag nag-heel strike ka. kaya it’s either you learn how to strike apatpaa (forefoot) o gitnapaa (midfoot), or you give your vff to me.

3. ninggah o ninja ba ang ibig mong sabihin? lahat po ay maaaring sumubok ng vff. lalaki, babae, bata, matanda, ninja man o hindi. ito ay sa kadahilanang ikaw ang mag-aadjust, hindi ang vff. kung hindi swak sa iyo sa unang gamit. manalangin ka na lang na unti-unti kang maka-adapt.

4. maaaring gamitan ng medyas. mga brand na katulad ng injinji at ng isa pang baguhang tatak na di ko maalala. may mga lokal na medyas din namabibili sa mga tiangge. kung medyo malaki ang sukat ng vff mo, irerekumenda ko na magsuot ka ng medyas. dagdag to ng kaunting cushion, pero di ba nga gusto mo mag-barefoot kaya ka nag-vff?! da vah?! yung mga pulbos, petroleum jelly, atbp ay maaaring gamitin kung kinakailangan lang. o kung vain ka lang talaga. paltos? mayroong napakaliit na tyansa siguro. pero sa kaso wala pa naman.

sana ay nabigyang liwanag ko ang nagdidilim mong pang unawa. kung may tanong ka pa, i-text mo lang ako. pero mag-pasa load ka muna para maka-reply ko. salamas!

 

bsmillamina
bsmillamina wrote on Sep 11, ’09
ayus! very well said…… ganda ng storya mo sir nakaka aliw ang kwento mo. viri informativ
 

bsmillamina
bsmillamina wrote on Sep 11, ’09
ayus! very well said…… ganda ng storya mo sir nakaka aliw ang kwento mo. viri informativ…. how much bili mo sir?
 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 11, ’09

ayus! very well said…… ganda ng storya mo sir nakaka aliw ang kwento mo. viri informativ…. how much bili mo sir?

salamat sir! $85 ang kso. walang nagbebenta ng mura kaya srp ang nakuha ko. plus shipping.
 

laurenv
laurenv wrote on Sep 12, ’09
More than the kwento, maganda ang question and answer portion mo.
As usual, laugh trip ka na naman, pero informative huh! 

Astig ang review, in fairness (binabakla lang kita)…

–Lauren–

 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 12, ’09
laurenv said

More than the kwento, maganda ang question and answer portion mo.
As usual, laugh trip ka na naman, pero informative huh!

Astig ang review, in fairness (binabakla lang kita)…

–Lauren–

salamat, salamat musika!
 

uapjmc
uapjmc wrote on Sep 12, ’09
Nald, natawa ako dun “burol mananakbo” haha. Excellent review man from the bottom up. Enjoy your new VFF! 

Cheers,
Luis

 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Sep 13, ’09
uapjmc said

Nald, natawa ako dun “burol mananakbo” haha. Excellent review man from the bottom up. Enjoy your new VFF!

Cheers,
Luis

si tim ang nakaisip ng “burol mananakbo”, sinakyan ko lang. hehe! salamat ultraman luis!
 

takborero
takborero wrote on Oct 6, ’09
ronaldrei, saang website po kayo nag-order? gusto ko din kasi bumili eh… chka magkano po inabot ng shipping costs nyo? tia…
 

jaeb
jaeb wrote on Dec 3, ’09
hi ronald! nakakatuwa naman kwento dito. ive been running in vff flows rin this year, yung vff kso ko naman pamalit sa tsinelas na pang araw araw pag nasa labas ng bahay. nakakaaliw pag tinitignan o pinaguusapan ng mga tao sa labas no? hehe. 

kitakits sa mga takbo!

 

mfb99
mfb99 wrote on Jul 3, ’10
Aba, na special mention pala ako dito sa isinulat mo. Congrats ulit sa BDM102, ikaw lang kilala ko na naka ultra na gamit ang vff. 🙂
 

ronaldrei
ronaldrei wrote on Jul 30, ’10
mfb99 said

Aba, na special mention pala ako dito sa isinulat mo. Congrats ulit sa BDM102, ikaw lang kilala ko na naka ultra na gamit ang vff. 🙂

salamat! alam mo namang ikaw ang idol ko. mas nauna ka nga sakin mag-VFF e. 🙂

emelar
emelar wrote on Oct 7, ’10
saan po ba makakabili ng vff sa pilipinas

Older Entries